Kita ng Bangko Sentral ng Pilipinas, bumagsak

Higit P11 bilyon ang ibinagsak ng kita ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ngayong taon.

Ayon sa BSP, umabot lamang sa P31.15 bilyon ang net income ng nasabing bangko mula Enero hanggang Oktubre ngayong taon.

Higit na mas mababa ito ng 25% kumpara sa net income na P42.1 bilyon na nalikom ng BSP sa kaparehas na panahon noong nakaraang taon.


Bunsod ito anila ng pagbaba ng interes at paglakas ng piso.

Facebook Comments