Trauma ni Vice Ganda sa pagkamatay ng kanyang ama, bumalik kasunod ng Tarlac shooting incident

Tila bumalik ang trauma ng komedyanteng si Vice Ganda matapos mapanood ang viral video ng ginawang pamamaril ng pulis sa mag-ina sa Paniqui, Tarlac.

Sa isang tweet, ikinuwento ni Vice na bigla na lamang siyang natutula at bumalik lahat ng alala ng pagkamatay ng kanyang ama.

Nabatid na nasawi ang kanyang ama na noo’y isang Barangay Captain matapos barilin sa harapan mismo ng kanilang bahay.


Kasabay nito, nanawagan din ng hustisya si Vice sa pagkamatay ng mag-ina at hiniling na huwag sanang sapitin ng pamilya ng biktima ang nangyari sa kanilang pamilya.

Facebook Comments