Tumaas ang kita ng Land Bank of the Philippines (LANDBANK) sa unang quarter ng 2022.
Ayon sa LANDBANK, tumaas ng 141% ang kita o katumbas ng P13.2 bilyon na mula dati sa P5.48 bilyon.
Dagdag pa ng LANDBANK, ang naturang pagtaas ay dahil na rin sa mga pautang, pamumuhunan, gayundin ang kita mula sa pakikipagtulungan ng United Coconut Planters Bank (UCPB).
Kabilang din sa tumaas ang mga asset, deposito at capital ng naturang bangko.
Ang LANDBANK ay nananatiling pangalawa sa pinakamalaking bangko na may asset na 16% o katumbas ng P2.792 trilyon noong Marso 2022 na mas mataas kaysa sa P2.405 trilyon noong 2021.
Samantala, sa pagtatapos din ng Marso 2022, umabot sa P822.01 bilyon ang kabuuang outstanding loan ng LANDBANK sa mga priority sector nito, kung saan P236.86 bilyon ang ipinadala upang suportahan ang sektor ng agrikultura.