Rocco Nacino at Melissa Gohing, magkaka-baby na!

31

“Because God is kind to those who wait and pray.”

Ito ang naging pahayag ng aktor na si Rocco Nacino sa mga sonogram at baby bump pictures ng kaniyang asawa na si Melissa Gohing na pinost niya sa kaniyang Instagram account.

Mapapansin din sa mga larawan ang pagiging blooming ni Melissa na nagkaroon ng malaking adjustment sa kaniyang aktibong lifestyle.


Ayon kay Rocco, nalaman niya ang pagbubuntis ni Melissa habang nasa lock-in taping siya.

Nagpost din si Melissa ng mga litrato na may caption na “God’s timing is perfect.”

Sa ngayon, pilates, yoga at disiplina sa pagkain na ngayon ang pinagtutuunan ng pansin ni Melissa mula sa pagiging volleyball player.



Facebook Comments