CAUAYAN CITY – Patok man at hindi nawawala sa handaan ang lechon tuwing Pasko ay matumal ang bentahan nito sa Lungsod ng Cauayan.
Sa panayam ng IFM News Team kay Ginang Shirley, sinabi niyang kumpara noong nakaraang taon, mas mababa ang kanilang kita ngayon.
Ipinaliwanag din niya na noong nakaraang taon, puno na ang kanilang mga reservation bago pa dumating ang bisperas ng Pasko, ngunit sa kasalukuyan, mas mababa ang bilang ng mga nagpapareserve.
Ang presyo ng kanilang lechon ay nagsisimula sa P8,500 para sa small size, P9,500 para sa medium size, at P11,500 para sa large size.
Bukod sa tinda nilang buong lechon ay mayroon din silang per kilo na nagkakahalaga ng P900, at rolled pork belly kung saan ang 5 kilo ay nasa P3,200.
Samantala, inaasahan naman ni ginang Shirley na madami ang bibili ng lechon sa bisperas ng Pasko at sa Bagong Taon.