Thursday, April 9, 2026

Kita ng mga magsasaka at mga mangingisda, inaasahang babagsak dahil sa patuloy na pagtaas sa presyo ng fertilizer

Inaasahang babagsak ang kita ng mga magsasaka sa ilang mga probinsya bunsod ng pagtaas sa presyo ng mga fertilizer.

Ito ang babala ni Senator Risa Hontiveros kasabay ng kanyang panawagan na magkaroon ng supplemental aid package para sa mga agricultural worker at iba pang vulnerable sectors.

Ayon kay Hontiveros, posibleng bumagsak sa kalahati ng minimum wage ang kita ng mga magsasaka sa mga lalawigan dahil sa pagtaas ng presyo ng pataba bunsod pa rin ng epekto ng patuloy na krisis sa langis.

Tinukoy ng senadora na ang mga magsasaka sa Central Luzon kung saan malawak na ginagamit dito ang urea fertilizer, posibleng bumaba sa P7,275 kada buwan o mas mababa pa sa kalahati ng P16,200 minimum wage ang kita ng mga agri worker.

Ang mataas na cost at limitadong fertilizer supply ay banta sa produksyon ng ani, mataas na presyo ng pagkain at kita ng mga magsasaka.

Dahil dito, hinimok ni Hontiveros ang Malakanyang at mga kasamahan sa Kongreso na suportahan at aprubahan sa lalong madaling panahon ang P52.8 billion supplemental budget para matulungan ang mga magsasaka sa bansa.

Facebook Comments