Wednesday, April 29, 2026

Dalawang chartered flights sakay ang Pinoy repatriates, darating ngayong weekend

Kinumpirma ng Department of Migrant Workers (DMW) na dalawang chartered flights na may sakay na Filipino repatriates ang nakatakdang dumating sa bansa ngayong weekend.

Ayon kay Migrant Workers Secretary Hans Leo Cacdac, mas pinili ang chartered flights kaysa commercial flights dahil mas mabilis ang proseso ng repatriation.

Aniya, inaabot ng mahigit isang buwan ang pagpapauwi kapag commercial flight, kumpara sa dalawang linggo lamang sa chartered flights.

Sa ngayon, halos 5,000 na Pinoy repatriates ang napauwi ng pamahalaan sa gitna ng giyera sa Middle East.

Facebook Comments