Dumoble ang average monthly income ng mga mangingisda sa ARMM sa nakalipas na dalawang taon.
Ito ay dahil sa mga interbensyon ng regional government.
Sa ngayon ang local investment board ay nangangalap ng avenues para sa pagpapalawak ng aquaculture industry.
Mula sa P3,495 noong 2014, ang buwanang kita ng bawat mangingisda sa rehiyon ngayon ay aabot na sa P7,005,”.
Kabuuang 159,123 ang bilang ng mga mangingisda sa 18,426,613 hectares ng territorial waters sa ARMM na binubuo ng mga lalawigan ng Maguindanao, Lanao del Sur, Basilan, Sulu at Tawi-Tawi.
Una nang inihayag ni ARMM Gov. Mujiv Hataman sa kanyang SORA kamakailan na nararamdaman na ang epekto ng mga programa ng regional government sa loob ng 7 taon, kabilang dito ang pamamahagi ng mga Bangka, pag-ayuda sa paglalagay ng fish cages, funding assistance at alternative livelihood projects.(photo credit:bpiarmm)
Kita ng mga mangingisda sa ARMM, dumoble!
Facebook Comments