Kita ng NPA sa mga kandidato, papalo na sa halos P200-M

Manila, Philippines – Umabot na sa 194.5 milyong piso na umano ang kinita ng New Peoples Army (NPA) mula sa mga kandidato.

Ito ay batay sa datus ng Department of the Interior and Local Government o DILG simula noong election 2016 nitong barangay election noong 2018.

Ayon kay DILG Secretary Eduardo Año, nasa P300,000 hanggang P650,000 ang ibinibigay ng isang gobernador sa NPA kapalit ng kanilang proteksyon sa eleksyon.


Habang aabot naman P200,000 hanggang P500,000 ang ibinibigay ng isang alkalde ng lungsod sa NPA at kung alkalde naman sa isang maliit na munisipyo ay nagbabayad ito ng P50,000 hanggang P100,000.

Facebook Comments