Kita ng Pilipinas sa turismo, patuloy sa pagtaas

Aabot sa 245 billion pesos ang kinita ng Pilipinas sa mga turista sa unang anim na buwan ng taon.

Ayon sa Department of Tourism (DOT), ang total receipts para sa unang anim na buwan ngayong taon ay mas mataas ng 17.57% kumpara sa kaparehong panahon noong 2018.

Pinakamataas ang tourist spending noong Pebrero na umabot sa P48 bilyon.


Ang total receipt naman para sa buwan ng Hunyo ay nasa P38 bilyon, 30.56% na mas mataas kumpara noong Hunyo 2018.

Isa ang turismo sa nasa likod ng nalikhang 5.4 milyong trabaho noong 2018.

Facebook Comments