Kitchencity, nagsisilbing cafeteria ng mga kumpanya at ospital sa maynila

Bringing the food to your home.

Ito raw ang business model ng Kitchencity kung saan iba’t ibang masasarap na pagkain na frozen meals ang kanilang iniaalok na ideliver.

Sa interview ng Business as Usual, ikinwento ng President ng Kitchencity na si Ricardo Abelardo Jr. na gusto nilang siguraduhing hindi mauubos ang oras ng isang tao sa pagluluto na pwede namang ilaan sa ilang importante ring bagay.


Ayon kay Abelardo, sila ang nagsisilbing cafeteria ng maraming mga kumpanya at kahit ng mga ospital sa Metro Manila sa loob nang 20 taon nila sa industriya.

Sa ngayon, ang Kitchencity rin ang pinakamalaking food concessionare sa bansa.

Facebook Comments