Nilahukan ito ng mga kabataan mula sa iba’t-ibang probinsya sa rehiyon dos.
Layon ng naturang aktibidad na imulat ang kamalayan ng mga kabataan at sila’y magsilbing boses kontra droga at terorismo.
Sa pamamagitan nito ay magiging aktibo ang mga kabataan sa pakikilahok sa iba’t-ibang programa ng gobyerno at mailayo rin sila sa pananamantala at panghihikayat ng mga makakaliwang grupo.
Bukod dito, hangad rin ng nasabing programa na patibayin ang ugnayan ng mga kapulisan at mga kabataan para mapaigting pa lalo ang kampanya laban sa iligal na droga at terorismo.
Naging bahagi sa programa ng KKDAT Summit ang pagkakaroon ng palaro, Zumba dance, team building, at Search for Mr. and Ms. KKDAT 2022 na aktibong sinalihan ng mga kalahok.
Bukod dito, nabigyan lahat ng dumalo at nakilahok sa programa ng sertipikasyon bilang pagkilala sa kanilang pagiging aktibong miyembro ng nasabing grupo.
Ang KKDAT Summit 2022 ay pinangunahan ito ni PCOL RAMIL L SACULLES, Deputy Regional Director for Operations sa ilalim ng pamumuno ni PBGEN STEVE B LUDAN, Regional Director ng PRO2 kasama ang ilang matataas na opisyal ng PRO2 at KKDAT.