Klase ng preschool hanggang senior high school sa Pasig City, suspendido pa rin

35

Suspendido pa rin ang klase ng public at private schools ng Pasig City mula preschool hanggang senior high school simula ngayang araw hanggang bukas.

Ito ang inanunsyo ngayon ng lokal na pamahalaan ng Pasig City, matapos irekomenda ng Department of Education (DepEd) Division of City School kay Pasig City Mayor Vico Sotto.


Ayon kay Sotto, hanggang sa ngayon ay nagpapatuloy pa rin ang ginagawang clearing operation sa lahat ng barangay ng lungsod matapos itong masalanta ng Bagyong Ulysses.

Nagpapatuloy rin anIya ang pag-restore o pagbalik ng kuryente sa buong lungsod sa pangunguna ng Meralco.

Pero hinikayat niya ang mga mag-aaral na sagutan at basahin pa rin ang mga module na ibinigay sa kanila dahil pwede naman aniya itong gawin kahit walang internet connection o kuryente.

Facebook Comments