Cagayan – Suspendido ang klase sa lahat ng antas mapa-publiko o pribado sa araw ng Lunes, Oktubre -29 bilang paghaahanda sa inaasahang pagtama ng bagyong Rosita sa lalawigan ng Cagayan.
Ito ang iniutos ni Cagayan Governor Manuel Mamba upang mailayo sa peligro ang mga estudyante at upang hindi na bumiyahe ang mga ito pabalik ng Tuguegarao o kung saan sila nagsisipag-aral.
Ang desisyong ito ng gobernador ay batay narin umano sa rekomendasyon ng Provincial Climate Change and Disater Risk Reduction and Management Office (PCCDRRMO).
Ito ay batay din sa Severe Weather Bulletin # 1 na inilabas ng PAGASA-DOST na nasa Philippine Area of Responsibility (PAR) ang nasabing bagyo ngayong araw.
Kaugnay nito ay nakatakdang pupulungin ni Cagayan Governor Mamba ang mga miyembro ng PCCDRRMO bukas ng umaga na gaganapin sa kapitolyo para sa karagdagang preparasyon.