KLASE SA LAHAT NG LEVEL SA CAUAYAN CITY, KANSELADO BUKAS!

113

Kanselado ang klase sa lahat ng antas sa pribado at pampublikong paaralan dito sa lungsod ng Cauayan bukas October 4, 2019.

Ayon sa Executive order #16 series of 2019 na pinirmahan ni City Mayor Bernard Dy, ang kanselasyon ng pasok ay bilang pagpupugay sa mga guro. Batay sa Presidential Proclamation 41 series of 2010, idineklarang National Teachers Month mula unang Biyernes ng September hanggang October 5. alinsunod narin ito sa disenyo ng United Nations Education, Scientific and Cultural Organization (UNESCO) na gawing Worlds Teachers day ang October 5.


Kasabay ng kanselasyon ng pasok sa lahat ng antas dito sa lungsod, hinikayat ni Mayor Dy ang lahat na isama sa panalangin ang kabayanihan ng mga guro. Aniya isa ang pagtuturo sa pinakadakilang bokasyon kayat marapat lamang na bigyan ng pagkilala ang mga guro.

Facebook Comments