Klase sa Mapua University, suspendido ng isang linggo 

38

Suspendido ng isang linggo ang online classes sa Mapua University. 

Sa abiso ng unibersidad, wala munang isasagawang online classes para sa college students na ipapatupad mula September 28 hanggang sa October 3, 2020. 

Ang suspensyon sa online classes sa Mapua ay bunsod na rin ng adjustment na ipinatupad sa pagdaraos ng klase ngayong mayroong pandemic ng COVID-19 sa bansa. 

Sa mga araw na walang klase ay bibigyang pagkakataon ang mga estudyante at faculty members na magkaroon ng “rest and de-stress”. 

Magpapatuloy naman ang online classes sa Mapua sa October 5, 2020. 

Facebook Comments