Klase sa Marawi City muling nagbukas

Pinagsisikapan ngayon ng Marawi City Schools Division na manumbalik ang normal na eskwela matapos maideklarang malaya na ang syudad kontra terorismo.

Kaugnay nito 12 mga paraalan ang nagbalik eskwela noong nakaraang buwan habang inaasahan sa susunod na linggo ay masusundan pa ito sa panayam ng RMN Cotabato kay Assistant Division Supt Ana Zenaida Unte.

Kabilang sa mga nagbukas na mga eskwelahan ay ang Conding, Sikap, Cabingan, Banga, Datu Tambak, Bito, Pendolonan, Abdulazis, Camp Bagong Amai Pakpak, Sugod at Mipaga Elementary Schools.


Matatandaang 69 mga paraalan , 22 rito ay sirang sira maliban pa sa 22 na libong mga mag aaral at 1, 569 na mga guro ang naapektuhan sa nangyaring limang buwang kaguluhan dagdag ni Assistant Supt Unte hindi pa kasali rito ang data mula sa private at madrasa schools.

Nagpapasalamat naman ang Schools Division sa pagbuhos ng tulong mula Central Government at DepEd ARMM sa pangunguna ni Sec. John Magno.

Inaasahang sa darating na Desyembre sama sama sa gagawing Brigada Eskwela ang lahat ng division mula sa ibat ibang panig ng bansa para sa pagbangon ng Bagong Marawi City Schools Division.

Facebook Comments