Klase sa mga pampublikong paaralan sa Iligan, magpapatuloy ngayong araw ng Lunes

Iligan, Philippines – Patuloy ang klase ngayong Hunyo singko sa mga pampublikong paaralan sa lungsod ng Iligan kahit pa patuloy pa ang bakbakan sa pagitan ng Maute Group at kasundalohan sa Marawi City.

Sinabi ni DepEd Schools Division Superintendent Randolph Tortola na hindi nila isasakripisyo ang edukasyon ng kabataan sa nangyaring kaguluhan sa Marawi City.

Wala naman umanong natangap na banta ng seguridad ang DepEd na galing sa kasundalohan at kapulisan kayat minarapat nilang ipagpapatuloy ang klase ngayong araw nang lunes.


Sinisiguro ni Tortola ang seguridad at kaligtasan ng bawat mag-aaral kayat nakipag-ugnayan na siya sa PNP para may mga tauhan silang ilalagay sa bawat paaralan sa pagsisimula ng klase sa susunod na lingo.

Hindi naman balakid sa pagpapatuloy ng klase sa isang paaralan sa barangay Buruun kung saan naroroon ang iilang mga evacuees sa Marawi City sapagkat nasa isang gymnasium lamang sila at hindi sa mga classroom.
DZXL558, Ghiner Cabanday

Facebook Comments