4 na bahay, tinupok ng apoy kahapon ng hapon sa Bacolod City

Bacolod Philippines – Apat na bahay ang tinupok ng apoy kahapon ng hapon sa barangay 14, Bacolod City.

Nagmula ang apoy sa bahay ni Ronalyn Sarapanan at mabilis na kumalat ang apoy sa mga katabing bahay na gawa sa mga light materials.

Sa imbestigasyon ng Bacolod Bureau of Fire Protection nag umpisa ang apoy pasado las 3 kahapon ng hapon at pasado las kwatro ng hapon na idineklara na fire-out ang nasabing sunog.


Patuloy naman ang imbestigasyon sa kung ano ang naging dahilan ng apoy at kung magkano ang kabuuang pinsala.

DZXL558, *Albert Giner *

Facebook Comments