Klase sa Mindanao State University, sisimulan na sa susunod na linggo sa kabila ng banta ng pag-atake sa mismong unibersidad

Manila, Philippines – Naipit na ng militar ang mga natitirang miyembro ng Maute terror group sa main battle area sa Marawi City.

Dahil dito, posible umanong magsagawa ng pag-atake sa iba pang bahagi ng siyudad ang mga terorista at isa sa posibleng target ang Mindanao State University (MSU).

Nabatid kasi na may mga armadong kalalakihan ang namataan sa likurang bahagi ng MSU.


Ayon kay Provincial Management Crisis Committee Spokesman Zia Alonto Adiong – nakaalerto na ang militar sa paligid ng unibersidad.

Samantala sa kabila ng banta, tuloy pa rin ang pagbubukas ng klase sa msu sa susunod na linggo.

Sabi ni Adiong, pinag-uusapan na ng militar at lokal na pamahalaan ang kaligtasan ng mga guro at estudyante nito.

Facebook Comments