Talk ’N Text, panalo kontra Alaska sa PBA Governors’ Cup

Sports – Nailusot ng Talk ’N Text ang laban kontra Alaska sa iskor na 107-106.

Nanguna sa ikalang panalo ng katropa ang import na si Michael Craig na may 28 puntos, 19 boards at apat na assists.

Tumulong rin sina Roger Pogoy na nagtala ng 25 puntos, isang rebound at isang assist habang si Jayson Castro ay nagdagdag ng 23 points, 10 assists at isang rebound.


Naging bida naman sa Aces ang import na si Ladontae Henton na mayroong 42 puntos at 22 rebounds ngunit hindi ito naging sapat.

Nasayang din ang 19 puntos at 11 boards ni Calvin Abueva gayundin ang 13 puntos ni Vic Manuel at 12 Markers ni Chris Banchero sa panig ng Alaska.

Facebook Comments