Klase sa probinsya ng Cagayan, kanselado dahil sa pagbaha

Cagayan – Suspendido ang klase sa probinsya ng Cagayan sa lahat ng antas sa pribado at pampubliko paaralan bukas, November 6.

Ayon kay Cagayan Governor Manual Mamba, ang kanselasyon ng pasok ay dahil sa mga pagbaha bunsod ng mga pag-ulan na dala ng northeast monsoon o hanging amihan.

Ilang araw nang nakakaranas ng mga pag-ulan ang lalawigan na nagdudulot ng mga baha sa lugar.


Facebook Comments