Manila, Philippines – Nilinaw ng Department of Education (DepEd) na wala silang inilabas na kautusan na ipasara ang mga eskwelahan para sa mga Lumad.
Ito ay kasunod ng mga ulat na ang Salugpongan Learning Center sa Davao del Norte ay isinara kasunod ng umano ay utos ng kagarawan.
Sa statement ng DepEd, walang awtoridad ang kanilang dibisyon sa Davao del Norte na mag-isyu ng ganitong utos, kung meron man ay dapat manggagaling ito sa kanilang central office sa Manila.
Ayon naman kay Davao del Norte Governor Anthony Del Rosario, ang school closure ay galing sa lokal na pamahalaan ng Talaingod.
Lumalabas din na ang pagsasara ng eskwelahan ay sinuportahan din ng tribal leaders ng indigenous community sa Talaingod.
Facebook Comments