KLINARO | DFA – nilinaw na walang Pinoy na sakay sa bumagsak na Lion Air passenger plane ng Indonesia

56

Walang Pinoy na sakay sa bumagsak na Lion Air passanger plane ng Indonesia.

Nagpaabot naman ng pakikiramayat panalangin ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa Indonesia at sa naiwang pamilya ng mga nasawing pasahero at crew ng flight JT 610.

Nauna nang sinabi ng mga otoridad sa Indonesia na 13 minuto pagkatapos mag-take off sa Jakarta ay hindi na nila ito nakontak.

Tumanggi rin muna si Lion Air group Chief Executive Edward Sirait na magkomento sa insidente dahil patuloy pa rin daw siyang kumukuha ng impormasyon hinggil dito.

Facebook Comments