Manila, Philippines – Nilinaw ngayon ng Palasyo ng Malacañang na idea pa lamang o hindi pa maisasakatuparan ang inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na pagbuo ng kanyang sariling Sparrow unit na lalaban sa mga rebelde na tatawagin aniyang Duterte Death Squad.
Ayon kay Chief Presidential Legal Counsel Secretary Salvador Panelo, pinalutang lang ni Pangulong Duterte ang usapin sa harap narin ng kagustuhan nito na maprotektahan ang Mamamayan laban sa panggugulo ng New people’s Army.
Sinabi ni Panelo na mas magandang abangan nalang ang mga susunod na development sa usapin.
Pero tiniyak narin naman ni Panelo na sakaling matuloy ay tiyak naman na poprotektahan at ipaglalaban ng Pamahalaan ang karapatang pangtao.
Sigurado aniyang iuutos ni Pangulong Diterte sa kanyang Deadth Squad na protektahan ang bayan laban sa mga naghahasik ng kaguluhan at maprotektahan ang mga inosenteng mamamayan.