
Nagsagawa ng kilos-protesta ang iba’t ibang grupo sa Maynila sa pangunguna ng Kilusang Mayo Uno (KMU).
Ito’y para kondenahin at ipanawagan na itigil na ng America at Isral ang ginagawang pag-atake sa Iran.
Giit ng KMU, dahil sa giyera, nalalagay sa peligro ang nasa halos 2 milyus Overseas Filipino Workers (OFWs) na nasa Middle East partikular sa Saudi Arabia, UAE, Qatar, Kuwait, at Bahrain.
Bukod dito, iginiit pa nila na ang Pilipinas ay hindi na ligtas sa banta ng giyera bunsod na rin ng presensya ng tropa ng Amerika at kanilang mga military facilities sa bansa.
Sinabi pa ni KMU Deputy Secretary General Joanne Cesario, dapat unahin ng pamahalaan ang kaligtasan ng mga Pilipino sa ibang bansa at protektahan ang mga komunidad dito sa loob ng bansa upang hindi gawing lunsaran ng paghahanda o operasyon ng dayuhang militar.
Nararapat din solusyunan at tutukan ng pamahalaan ang problemang dulot ng kaguluhan sa Gitnang Silangan tulad ng krisis sa langis na dahilan ng pagtaas ng mga pangunahing bilihin.










