Knockout win, target ni Pacquiao laban kay Broner

Target ni Filipino boxing Champ Manny Pacquiao ang “knockout win” sa nakatakdang boxing match nito kontra kay Adrien Broner.

Sa kanyang post sa Twitter, sinabi ni Pacquiao na puspusan ang ginagawa niyang training lalo at ilang araw na lang bago ang kanilang world welterweight championship bout.

Kasalukuyang nasa U.S. si Pacquiao para doon mag-ensayo.


Gaganapin ang tinaguriang #pacbroner boxing match sa January 19 sa MGM Grand Garden, sa Las Vegas, Nevada.

Facebook Comments