KNOWLEDGE SKILLS NG MGA BATA SA BAYAMBANG, TINUTUTUKAN

Maiging tinututukan ngayon ng lokal na pamahalaan ng Bayambang ang knowledge skills at learning capability ng mga bata sa kanilang bayan kung iba’t ibang programa na rin ang kanilang inilunsad para sa progresong pagtutok sa mga ito.
Nito lamang ay ipinamahagi ng MSWDO ang mga mga Early Childhood Care and Development (ECCD) Checklist sa nasa pitumpong mga accredited Child Development Centers sa kanilang bayan.
Ang naturang checklist ay makatutulong sa pagdetermina at siyang assessment tool para sa mga bata para malaman kung ang pagkatuto ng mga ito ay nasa overall average na nga ba o hindi pa.

Malalaman sa naturang assessment tool ang mga mahahalagang performance na dapat matutuhan at ma-engage sa isang bata partikular na sa 7 domain characteristics.
Samantala, ang mga ECCD checklist na ipinamahagi ay mula sa pondo ng Local Council for the Protection of Children. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments