INAASAHANG TATLONG AIRPORT SA LALAWIGAN NG PANGASINAN, IMINUNGKAHI NG KONGRESISTA

Iminungkahi 2nd District Representative Cong. Cojuangco ang kanyang inaasahang tatlong airport na itatayo sa lalawigan ng Pangasinan.
Dagdag pa nito na sinabi rin umano ni Pangasinan Governor Ramon Guico III na nais din nitong magkaroon pa ng karagdagang airport na plano naman itayo sa bayan ng Bolinao.
Matatandaan na mayroong existing airport sa Alaminos City, at kasalukuyang umuusad naman ang pinaplanong pagpapatayo ng Lingayen International Airport sa pangunguna pa rin ng nasabing kongresista katuwang ang iba pang ahensya.

Samantala, malaki ang potensyal ng mga naturang proyekto sa pagpapalago ng ekonomiya at turismo ng buong Pangasinan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments