Bumagsak ang koleksyon ng buwis sa sigarilyo ngayong taon kumpara sa nakolekta noong 2018 at 2019.
Ayon sa Bureau of Internal Revenue (BIR), pumatak lamang sa 32 bilyong piso ang nakolekta nila para sa buwan ng Enero hanggang Hunyo ngayong 2020.
Ito ay mula sa 132 bilyong piso na koleksyon noong 2019 at 124 bilyong piso naman noong 2018.
Samantala, nilinaw ni BIR Director Beverly Milo na dulot ito ng pagsasara ng ilang manufacturer ng sigarilyo bunsod ng COVID-19 pandemic.
Facebook Comments