KOLORUM | Isang bus company, pinagmumulta ng I-ACT

Kasabay ng pagdagsa ng mga pasahero sa mga terminal.

Ikinasa ng Inter-Agency Council for Traffic (I-ACT) ang kanilang ‘Oplan Byaheng Ayos’ sa Pasay City’

Nasampulan ang 2 bus ng ELAVIL na patungong Rawis, Samar at Bicol dahil sa kawalan ng dokumento o bumabyahe ng kolorum.


Ang mga nasabing unit ay dinala sa tanggapan ng LTO at pinagmumulta ang may-ari nito ng P1 million kada isang bus.

Sa paglipat ng pwesto ng I-ACT muling natyambahan ang isa na namang bus ng ELAVIL kung saan kumpleto ito sa dokumento pero hindi pinayagang bumayahe dahil sa mano-manong operasyon ng wiper.

Napansin kasi ng I-ACT na di tali ang wiper kung saan hawak ng bus driver ang tali sa kaliwang kamay para gumana ang wiper habang ang kanang kamay nito ang may hawak ng manibela at kambyo.

Paliwanag ng I-ACT hindi nila papayagang makabyahe ang mga depektibong sasakyan dahil prayoridad nila ang kaligtasan ng mga pasahero.

Facebook Comments