Komedyante na sina Pokwang at Paolo Ballesteros, nagtayo na rin ng community pantry

Nagtayo na rin ng community pantry ang mga komedyante na sina Pokwang at Paolo Ballesteros sa Antipolo City, Rizal.

Sa Instagram post ni Pokwang, ibinahagi ng aktres at komedyante ang mga litrato ng kanilang inorganisang community pantry ni Paolo na tinawag nilang “Pantry Sisters”.

May caption pa ang mga larawan na “Tagumpay ang aming #communitypantry ang #pantrysisters.”


Say pa ni Pokwang, sobrang nagpapasalamat siya sa lahat ng mga tumulong at nag-organisa ng nasabing community pantry lalo na kay Paolo Ballesteros at ang kanyang mga kapit-bahay.

Una nang nagtayo ng sariling community pantry ang mga aktres na sina Angel Locsin at Gabbi Garcia.

Napabalita rin na nagdonate naman ng 2,000 US dollar ang mister ni Anne Curtis na si Erwan Heussaff para sa Maginhawa community pantry.

Facebook Comments