Golden State Warriors, wagi kontra Denver Nuggets sa nagpapatuloy na NBA game

Wagi ang Golden State Warriors sa iskor na 118-97 kontra Denver Nuggets.

Muling nagpakitang gilas Stephen Curry na nakapagtala ng 32 points habang tumulong si Draymond Green na may 19 assists at 12 rebounds.

Sa ngayon, mayroon ng 30-30 record ang Warriors, habang hawak naman ng Nuggets ang 38-21 record.


Samantala, pinayagan na rin ang mga fans na makapanood sa unang pagkakataon sa NBA game sa San Francisco, California.

Facebook Comments