Komedyanteng si Donita Nose, may bwelta sa mga nang di-discriminate pa rin sa kaniya kahit gumaling na sa COVID-19

103

Binweltahan ng komedyante at TV host na si Donita Nose ang mga nandidiri pa rin sa kaniya kahit gumaling na siya sa COVID-19.

Ayon kay Donita, nang sinundo siya noon ng ambulansiya matapos magpositibo sa virus ay usap-usapan na siya ng kanyang mga kapitbahay pero ngayong nakalabas na siya ng ospital, nakapag-quarantine at magaling na ay dini-discriminate pa rin siya ng mga tao sa Makati City, kung saan siya nakatira.


May ilang kapitbahay rin daw siyang nagtatanong kung paano na ang kanilang gagawin ngayong bumalik na siya sa kanilang lugar.

Giit ni Donita, magaling na siya at binigyan na siya ng go signal ng kanyang doktor sa pag-uwi kaya hindi siya dapat pandirihan.

Facebook Comments