Lolo, Nagbigti sa Puno ng Mangga

37

Cauayan City, Isabela- Kinitil ang sariling buhay ng isang 83 taong gulang na lolo matapos itong magbigti sa barangay Ganzano, Gattaran, Cagayan.

Kinilala ang biktima na si Manuel Pascual, byudo at residente ng Zone 1, Ganzano, Gattaran, Cagayan.


Sa pagresponde ng mga otoridad sa lugar sa pangunguna ni PCMS Elorde Vital, nakita ang nakabigting katawan ng biktima na nakasabit sa puno ng mangga partikular sa harap ng kanyang bahay gamit ang isang lubid.

Lumabas sa imbestigasyon ng pulisya, una nang nagsasabi ng problema ang biktima sa kanyang anak na si Freddie Pascual at napapansin na laging malungkot ang biktima.

Nakita na lamang ng anak kahapon ng umaga, Agosto 16, 2020 ang nakabigting katawan ng ama kaya’t agad namang pinutol ang ginamit na lubid.

Naniniwala naman ang pamilya ng biktima na walang nangyaring foul play sa nangyaring insidente.




Facebook Comments