Komento ng mga economic managers sa isinusulong na pederalismo, ikinatuwa ng DILG

Manila, Philippines – Itinuturing ng Department of Interior and Local Government (DILG) na pagsuporta sa isinusulong na pederalismo ang mga ipinahayag ng mga economic managers sa federal system.

Ayon kay DILG Assistant Secretary at Spokesperson Jonathan Malaya, nais ituon ng economic managers ang pagbuo ng economic fundamentals para tuluyang maipatupad ang federal system ng gobyerno.

Sabi ni Malaya bagamat una nang ipinahayag ni Socio Economic Planning Secretary Ernesto Pernia na ang pagpapalit ng porma ng gobyerno ay nangangahulugan ng dagdag na gastos ng gobyerno na aabot ng mahigit na mula mahigit 156 hanggang billion 250 billion.


Pero, nalinawan na aniya ito ng consultative commission o con-com na ang gagastusin lamang ay aabot sa 20 billion piso.

Aniya, mahalagang pasimula ito ng konsultasyon na una na rin nilang isinasagawa ng DILG sa ibat-ibang bahagi ng bansa.

Mahalaga aniya ang komento ng ibat-ibang sektor para makapagtibay ng isang pundasyon patungo sa nais ni Pangulong Duterte na palitan na ang kasalukuyang porma ng gobyerno.

Ang nagpapatuloy aniya na mga programa na nakakasa sa ilalim ng build build program ay isang patunay na bahagi na ng pederalismo na naglalayong ibaba sa ibat-ibang rehiyon ang pag-unlad sa bansa.

Facebook Comments