ASIAN GAMES | Pilipinas muntik nang masilat ang Kazakhstan sa Women’s Volleyball

Jakarta, Indonesia – Ipinamalas ng Philippine Women’s National Team ang kanilang pinakamagandang laro sa 2018 Jakarta Palembang Asian Games sa Indonesia.

Yun nga lang kinapos sila sa huli para ibigay ang mahigpit na laban sa Kazakhstan, 11-25, 25-22, 15-25, 25-19 at 14-16.

Nakuha pa ng mga Pinay na lumamang ng 7-3 sa fifth set pero isang timeout ang tinawag ng mga Kazakh para maputol ang momentum ng Pilipinas.


Mula sa 14-all sa fifth set, dinala ni Alenssya Safranova ang Kazakhstan sa panalo sa pamamagitan ng kaniyang smash at defensive gem para sa huling dalawang puntos ng laro.

Pinangunahan ni Jaja Santiago ang mga Pinay Volleybelle sa kaniyang 19 points habang nag-ambag naman ng 14 si Mylene Paat at 13 si Alyssa Valdez.

Facebook Comments