Komisyon ng mga mambabatas sa pork barrel, nakuha na – Sen. Lacson

Manila, Philippines – Umaabot umano sa 20-percent ang nakukuhang komisyon sa ilang mga proyekto ng pamahalaan na pinondohan gamit ang pork barrel fund.

Ayon kay Senador Panfilo Lacson, bago pa man mapagtibay ang 2019 national budget, nakuha na ng ilang nakikinabang sa pork barrel ang kanilang bahagi sa kita mula sa mga kontratista.

Sinabi ng senador na tinatayang nasa labing limang milyong piso pera ng taongbayan ng naibulsa.


Inamin rin ng mambabatas na maraming mga kongresista at senador ang nakinabang sa nasabing insertions.

Hindi rin umano inayos ng kasalukuyang liderato ng Kamara ang nasabing budget bagaman sinasabi nila na sa panahon ni dating Speaker Bebot Alvarez nagsimula ang nasabing pagsisingit ng pondo.

Si Lacson ay kabilang sa limang mga senador na hindi lumagda sa ratipikasyon ng 2019 budget dahil sa kanyang paniniwala na ang P75 billion na insertion ay paghahatian lamang ng ilang mga senador at kongresista.

Facebook Comments