Komunistang rebelde malayang makakapagtipon kahit may umiiral na unilateral ceasefire

Malaya pa rin na makapagsagawa ng kanilang mga pagpupulong ang mga komunistang grupo sa kabila ng umiiral na ceasrefire.

Ito ang sinabi ni Defense Secretary Delfin Lorenzana matapos na kanselahin ng Communist Party of the Philippines (CPP) ang kanilang taunang pagtitipon o annual plenum nitong December 26, 2019 ang kanilang founding anniversary dahil sa umanoy gulo sa pagitan ng NPA at Militar.

Ayon sa kalihim, malaya ang mga rebelde na magtipon saanman at kailanman nila naisin


Aniya seryoso ang Pamahalaan sa pagtatamo ng kapayapaan para na rin sa ikatatahimik ng sambayanan.

Pero ayon kay Lorenzana, ipapatupad pa rin ng AFP ang law enforcement operation at pagresponde sa mga komunidad na ginugulo ng CPP armed wing na New Peoples Army (NPA) kahit na umiiral ang ceasefire.

Ang unilateral ceasefire sa pagitan ng gobyerno at CPP NPA ay nagsimula nitong December 27 at magtatagal hanggang Januaruy 7, 2020.

Facebook Comments