Patuloy na mino-monitor ng ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Central Office ang kondisyon ng mga Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps workers na naging biktima ng food poisoning sa Cotabato City, Maguindanao del Norte.
Batay sa ulat ng BARMM Ministry of Social Services and Development o MSSD sinabi ni Minister Raisa Jajurie na nabigyan na ng initial assistance ang mga 4Ps workers.
Ginagawa na rin nila ang lahat para sa kalusugan at kaligtasan ng 52 workers ng 4Ps na nakaranas ng sintomas ng food poisoning.
Ayon sa ulat, dumalo ang 4Ps workers sa Staff Development Training sa isa sa mga hotel sa Cotabato City noong Setyembre 14 ng mangyari ang food poisoning.
Nagsasagawa na rin ng imbestigasyon ang BARMM’s Legal Office at Chief of Staff ng MSSD Minister sa nangyaring insidente.
Nangako naman ang pamunuan ng hotel na tulungan ang mga biktima ng food poisoning.