Pagpaslang sa isang opisyal ng Integrated Bar of the Philippines, kinondena ng IBP

Kinondena ng Integrated Bar of the Philippines (IBP) ang pagpaslang kay Atty. Ma. Saniata Liwliwa Gonzales-Alzate.

Si Atty Gonzales-Alzate, Commissioner on Bar Discipline ng IBP, ay binaril sa harap ng kanyang bahay sa Bangued, Abra noong Huwebes.

Ayon sa IBP ang pagpaslang sa biktima ay paaalala sa mga bantang kinahaharap ng mga abogado, hukom at mga opisyal ng korte sa buong bansa.


Dahil dito, nananawagan ang IBP sa National Bureau of Investigation (NBI), Philippine National Police (PNP) at lahat ng ahensiyang may kinalaman sa imbestigasyon na magsagawa ng malawakang imbestigasyon sa insidente, kasama na rin ang iba pang karumal-dumal na krimen.

Apela ng IBP na dapat tiyakin ng law enforcement agencies ang madaling imbestigasyon at panagutin ang tunay na may kagagawan ng krimen.

Facebook Comments