Konduktor na Tulak ng Droga sa Alicia, Isabela, Timbog sa Buy Bust Operation!

149

*Alicia, Isabela- *Nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Dangerous Drugs Act ang isang konduktor matapos kumagat sa ikinasang Drug Buy Bust Operation ng mga otoridad sa brgy Antonio, Alicia, Isabela.

Kinilala ang natimbog na si Christian Ferrer , bente anyos, binata, isang konduktor at residente ng nasabing lugar.


Sa nakuhang impormasyon ng RMN Cauayan, inaresto si Ferrer matapos bentahan ng isang hinihinalang shabu ang isang police poseur buyer kung saan dinala na ito sa PNP Alicia para sa kanyang kaukulang dokumentasyon at disposisyon.

Facebook Comments