Konduktor ng Bus na pinaniniwalaang Supplier ng Droga, Natimbog

*Cauayan City, Isabela*- Nahulog sa kamay ng mga awtoridad ang isang konduktor ng bus na itinuturong nagsusuplay ng iligal na droga pasado 7:00 ngayong gabi sa Brgy. Villa Paz, Naguillian, Isabela.

Kinilala ang suspek na si Larry Lariosa, nasa hustong gulang at residente ng Brgy. Villa Paz, Naguillian, Isabela.

Ayon sa imbestigasyon ni PMAJ. Gary Macadangdang, Hepe ng Nagullian Police Station, lumalabas na matagal ng minamanmanan ng operatiba ang nasabing konduktor dahil sa iligal nitong aktibidad na nagresulta ng pagkakadakip sa suspek.


Dagdag pa ng hepe na kapag nagbabakasyon ang suspek sa metro manila ay siya namang pinaniniwalaang kumukuha ng droga at isinusuplay sa bayan ng naguilian.

Narekober kay Lariosa ang dalawang (2) pakete ng hinihinalang shabu, P1,000.00 na buy bust money at isang motorsiklo.

Sasampahan ng kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2001 ang suspek habang nananatili ito sa kustodiya ng pulisya.

Facebook Comments