Gastos sa testing ng posibleng COVID-19 case, sasagutin na ng Philhealth

Sasagutin na ng Philippine Health Insurance Corporation (Philhealth) ang gastos sa pagpapasuri sa mga posibleng mayroong Coronavirus Disease (COVID-19).

Kasunod na ito ng pangamba ng publiko sa magiging gastos kapag nagpagamot dahil sa COVID-19.

Ayon kay Cabinet Secretary Karlo Nograles – sasagutin ng philhealth ang covid-19 tests sa mga ospital na covered ng ahensya.


Aniya, ipinaalam sa kanya ni Philhealth President at CEO Ricardo Morales na nasa proseso sila para iformalized ang bagong benepisyo.

Pagtitiyak ni Nograles – ginagawa lahat ng pamahalaan ang makakaya nito para masigurong sapat ang bilang ng testing kits para sa mas mabilis na pag-identify at pag-isolate ng mga COVID-19 case sa bansa.

Facebook Comments