Posibleng may kaugnayan sa iligal na droga ang dahilan ng pagdukot sa walong magkakaibigan sa batangas kung saan nakatakas ang dalawang biktima.
Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni Police Captain Errol Frejas, Police Officer-In-Charge ng Laurel, Batangas na lumabas kasi sa kanilang inisyal na imbestigasyon na nahuli na noon ang isa sa biktima dahil sa illegal drugs.
Sa kuha ng CCTV footage malapit sa pinangyarihan ng krimen, makikita ang pagdukot sa mga biktima matapos harangin ang kanilang sasakyan ng mga armadong kalalakihan.
Idinagdag pa ni Frejas, gumamit ng mga pekeng plate number ang mga suspek dahil nakarehistro ang mga ito sa ibang mga sasakyan na nagmula sa Cebu at Butuan City.
Facebook Comments