Koneksyon nina Sen. Drilon at Angara sa Sanofi Pasteur, ibinunyag ng PAO

Iaapela ng Public Attorney’s Office ang pagkaltas ng Senado sa 19.5 Milyong Pisong pondo nila sa 2020 para sa Forensic Laboratory at Equipments na gagamitin pangunahin sa Dengvaxia Cases.

Ayon kay PAO Forensics Laboratory Chief Dr. Erwin Erfe, dismayado sila sa budget cut sa kanilang tanggapan na pinangunahan nina Senador Frank Drilon at Senador Edgardo Angara.

Inilipat anya ang nasabing pondo ng PAO sa NBI nang walang abiso.


Una nang inaprubahan ng Kamara ang pondo para sa PAO Forensics pero hinarang ng Senado sa Budget Hearing.

May hinala si Erfe na may kinalaman sa koneksyon nina Drilon at Angara sa mga abogado ng Sanofi Pasteur ang pagtapyas sa budget ng PAO.

Ang ACCRA Law kung saan nagsilbing Law Partners sina Drilon at Angara ay ang nagaabogado sa Sanofi Pasteur.

Umaasa naman si PAO Chief Atty Persida Acosta na pagdating sa Bicameral Conference Committee ay maibabalik sa kanila ang halos 20 Milyong Pisong kinaltas na budget lalo nat’t marami silang tinutulungan  ngayon na mga biktima ng Dengvaxia Anti-Dengue Vaccine.

Facebook Comments