Koneksyon sa Internet nawala sa malaking bahagi ng Mindanao

Bumalik na nga sa normal ang signal connection ng PLDT matapos ang higit isang araw na pagkakawala nito na nakaapekto sa malaking bahagi ng Mindanao.

Sinasabing ang pagkakasira ng kanilang mga Fiber Optics bunsod na rin sa mga inaayos na mga kalsada ang naging dahilan ng pagkakawala ng serbisyo ng PLDT base sa kanilang inalabas na advisory.

Pero bago ang pagkakabalik ng connection sa Internet, Cellphone Data at linya ng telepono, umani ng ibat ibang reaction ito lalo nasa mga naperwisyong mga residente mula Socsargen, Davao Region, Caraga maging sa Bukidnod at Misamis Area.


Kabilang sa lubos na naapektuhan ang transaction sa gobyerno , bangko maging sa mga ordinaryong residente.

Kaugnay nito umaasa ang mga consumers ng PLDT na sanay tuloy tuloy ng maibalik sa normal ang supply ng signal connection o di kaya makapagbigay lamang ng agarang abiso ang mga ito bago pa man uminit ulo ng mga consumers .
GOOGLE PIC

Facebook Comments