Koneksyon umano ng pamilya Garin sa NPA, iimbestigahan ng PNP

Manila, Philippines – Iniimbestigahan na ng Philippine National Police (PNP) ang posibleng koneksyon diumano ng pamilya garin sa New People’s Army (NPA).

Ito ay Makaraang Sabihin Ni Po3 Federico Macaya Jr. na binantaan siya ni 1st District Rep. Richard Garin na ipapatay sa rebeldeng grupo.

Sa isang panayam, kinumpirma ni Police Regional Office (PRO)-6 Director C/Supt. John Bulalacao na may natanggap siyang impormasyon hinggil dito.


Ayon kay Bulalacao, isang informant ang nagsabing may isang taong taga-Oton, Iloilo na tumutulong sa pamilya Garin.

Pero hindi nito matukoy kung anong klaseng tulong ang ibinibigay ng nasabing tao na pinaghihinalaang miyembro ng NPA.

Magsasagawa ng verification ang PRO-6 para makumpirma ang impormasyon.

Samantala, nagpalabas naman ang Regional Civil Service Unit ng Cease and Desist Order laban sa security agency na pagmamay-ari ng pamilya Garin.

Dahil dito, maituturing na non-existing at hind na maaaring mag-operate ang security agency.

Facebook Comments