Manila, Philippines – Iniimbestigahan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang anggulong posibleng may kinalaman sa destabilisasyon ang pagpatay sa tatlong local executives.
Inihayag ito Justice Secretary Menardo Guevarra kasunod ng kanyang direktiba sa NBI na imbestigahan ang pagpatay kay Trece Martires, Cavite Vice Mayor Alexander Lubigan.
Gayunman, sinabi ni Guevarra na lumalabas base sa paunang pagsisiyasat na hindi magkakaugnay ang pagpatay kina Lubigan, at kina Tanauan City, Batangas Mayor Antonio Halili at General Tinio, Nueva Ecija Mayor Ferdinand Bote.
Kabilang din kasi sa pinasisiyasat ng DOJ ay ang posibilidad na mayroong pattern o kunektado sa isa’t isa ang tatlong insidente ng pagpatay.
Si Lubigan na binaril habang sakay ng Toyota Hilux noong Sabado ng hapon ay ang pinakahuling local executive na pinaslang sa loob ng buwang ito.