Kongresista, dismayado sa patuloy na kawalan ng aksyon ng pamahalaan kaugnay sa patuloy na pagtaas ng presyo ng langis

Dismayado si House Deputy Minority Leader Carlos Isagani Zarate, sa patuloy na pagsasantabi ng pamahalaan sa panawagang suspendihin ang excise taxes sa mga produktong petrolyo.

Ang reaksyon ay bunsod na rin ng nakaambang bukas na ika-12 linggong big-time oil price hike.

Giit ni Zarate, malakas at matagal na ang panawagan ng mga mamamayan na pansamantalang itigil muna ang koleksyon sa excise tax sa mga produktong langis ngunit tuloy pa rin ang gobyerno na nagbibingi-bingihan.


Asahan na aniyang sa ganitong pamamahala na manhid at palpak ay tiyak na pabagsak at pahirap na ng pahirap ang kabuhayan ng lahat.

Umaapela naman si Zarate sa publiko na wakasan ang ganitong pamamahala na mas nabibigyang pansin ang interes ng mga malalaking kompanya ng langis sa halip na unahin ay ang interes ng mga naghihirap na mamamayan na apektado ng matinding krisis sa langis.

Facebook Comments